Ang Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nakasabat ng isang parsela mula London na may lamang cocaine at ecstasy na tinatayang P1.5 milyon ang halaga. Ang naturang padala ay natukoy matapos makatanggap ng tip ang PDEA.
Dumating sa Port of Clark ang parsela noong Abril 25, 2025 at isinailalim sa K-9 sniff test noong Abril 28. Nagpositibo ito sa droga.
Sa loob ng parsela ay may travel kit at limang vacuum-sealed packs. Dalawa dito ay naglalaman ng 128 gramo ng cocaine habang ang tatlo naman ay may 208 gramo ng ecstasy.
Kinumpirma ng PDEA laboratory na ito ay mga mapanganib na droga. Dahil dito, agad na ipinatupad ang warrant of seizure laban sa kargamento.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, tuloy-tuloy ang kanilang operasyon para mapigilan ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa.