
Ang mga sunog na buto ng isang 73-anyos na lalaki na naiulat na nawawala mula May 3, ay natagpuan sa bakuran ng isang bahay sa Bataan noong May 5. Nadiskubre ito sa operasyon ng Orion at Limay police.
Nakilala ang suspek na si Al, na agad ding umamin sa krimen. Ayon sa kanya, napuno na siya dahil lagi raw siyang sinasabihan ng biktima tuwing may nawawalang gamit.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, tatlong beses tinaga ni Al sa leeg ang matanda. Pagkatapos ay sinunog niya ito sa hukay sa kanyang bakuran gamit ang kahoy at goma.
Kasalukuyang nasa custody ng pulisya ang suspek. Inihahanda na rin ang mga dokumentong kailangan para sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya.