Ang isang babae na nawawala ng mahigit 60 taon ay natagpuang buhay at maayos. Ayon sa ulat ng CNN International, si Audrey Jean Backeberg mula sa Wisconsin ay huling nakita noong Hulyo 7, 1962, habang naglalakad mula sa isang bus stop.
Maraming taon din siyang hinanap ng mga awtoridad. Gumawa sila ng iba't ibang paraan pero walang naging resulta. Sa kalaunan, itinigil ang paghahanap at nanatiling misteryo ang kanyang pagkawala.
Ngayong taon lang muling sinubukang hanapin si Backeberg. Isang detective na si Isaac Hanson ang hinire para silipin muli ang kaso. Ininterbyu niya muli ang mga saksi at sinuri ang mga lumang rekord.
Natuklasan ni Hanson ang isang tirahan sa ibang estado at pinuntahan ito. Nakatawag siya kay Backeberg ng ilang minuto. Ayon kay Hanson, may sariling dahilan si Audrey kung bakit siya umalis noon.
Hindi ibinahagi ni Hanson ang buong usapan pero sinabi niyang si Backeberg ay masaya, kampante, at walang pagsisisi. Wala ring nakitang krimen o foul play sa kanyang kaso. Sadyang pinili niyang mawala at mamuhay ng tahimik.