Ang Suzuki V-Strom 800, na unang ipinakilala sa 2022 EICMA sa Italy, ay nagkaroon ng bagong kulay sa ibang bansa. Sa ngayon, sa Pilipinas, available lang ito sa Yellow at Black na color scheme. Pero posibleng madagdagan ito dahil sa official announcement ng Suzuki tungkol sa 2025 model update.
Para sa 2025, naglabas ang Suzuki ng bagong kulay para sa buong V-Strom 800 family, kabilang ang 800DE, 800RE, at mga Tour variants. Ang V-Strom 800DE, na pang-off-road, may 21-inch front wheel, fully-adjustable Showa suspension na may 220mm travel, at switchable ABS, ay magkakaroon na ngayon ng white at blue na kulay na may blue spoked wheels. May option din na gloss black na may grey and red decals at black wheels, at ang dati nang yellow colorway ay may bagong blue spoked wheels.
Para naman sa V-Strom 800RE, na mas pang-kalsada, may alloy wheels at revised ergonomics, available ito sa bright red, metallic matte black na may yellow accent, at metallic grey.
Ang mga Tour variants ng parehong 800DE at 800RE ay susunod sa kulay ng base models at may kasamang three-piece aluminum luggage system na may total na 112 liters ng storage.
Para sa mga Filipino riders na interesado sa 2025 V-Strom 800, abangan ang announcement mula sa Suzuki Philippines tungkol sa availability at presyo. Sa ngayon, ang V-Strom 800DE ay available sa PHP 759,000 sa mga authorized Suzuki Big Bikes dealers.