
Ang rapper na si Sik-K, o Kwon Min-sik sa tunay na pangalan, ay sinentensyahan ng 10 buwang pagkakakulong ng Seoul Western District Court dahil sa paglabag sa Narcotics Control Act ng South Korea (marijuana). Mayroon din siyang 2-taóng probation at kailangang dumalo sa 40 oras ng drug treatment lectures.
Sinabi ng korte na seryoso ang kaso dahil sa dami ng paglabag at dahil kilalang singer si Sik-K na may malaking epekto sa lipunan. Pero isinaalang-alang din nila ang taos-pusong pagsisisi ng rapper at ang kanyang kusang pagsuko sa pulis noong Enero 2024.
Nahaharap si Sik-K sa mga kaso ng paggamit ng ketamine, ecstasy, at marijuana. Kusang loob siyang sumuko sa pulis noong Enero 19, 2024, at inamin ang kanyang paggamit ng droga.
Ayon sa kanyang kampo, umamin siya sa simpleng possession at paggamit ng marijuana. Wala ring natagpuang Philopon o methamphetamine sa kanyang hair test na isinagawa sa imbestigasyon.
Sumikat si Sik-K sa programang Show Me the Money season 4. Noong 2023, nagtayo siya ng sarili niyang music label at kilala sa mga kantang Party, RING RING, at DARLING.