Ang 38-anyos na taho vendor na si Jojo Casiano mula Barangay Subangdaku, Mandaue City ay napansin sa E.O. Perez Street habang naka-costume bilang Yellow Ranger.
Ayon kay Casiano, madalas siyang magsuot ng iba't ibang costume habang naglalako ng taho para maging masaya ang kanyang mga suki. Minsan ay naka-Spider-Man outfit pa siya.
Ginagawa niya ito para makapagbigay ng good vibes sa mga tao habang nagtatrabaho. Marami sa kanyang customers ang tuwang-tuwa sa kanyang nakakaaliw na style.