Ang Xiaomi 17 Ultra ay opisyal nang inilunsad ng Xiaomi ngayong Pasko, December 25, 2025, sa China. Ito ang pinakabagong camera powerhouse ng brand na binuo kasama ang Leica, na may pokus sa mataas na kalidad ng litrato at video.
Pinangungunahan ng 50MP 1-inch Light Hunter 1050L sensor ang main camera nito na may f/1.67 aperture, Leica optics, at bagong LOFIC technology. Ang Lateral Overflow Integration Capacitor (LOFIC) ay tumutulong sa mas mahusay na dynamic range, mas kaunting noise, at mas malinaw na detalye sa low-light photography.
The telephoto camera ay may 200MP 1/1.4-inch sensor na may continuous zoom mula 3x hanggang 4.3x (75mm–100mm equivalent) gamit ang Leica APO optics. Samantala, ang ultrawide camera ay may 50MP ISOCELL JN5 sensor, at ang malaking circular camera island ay may physical zoom ring na puwedeng kontrolin ang ISO, focus, exposure value, at white balance.
Pinapagana ng Snapdragon 8 Elite Gen processor ang Xiaomi 17 Ultra, kasama ang 6800mAh battery na may 100W wired at 80W wireless charging. Mayroon din itong IP69 rating para sa tibay at 6.9-inch AMOLED display para sa premium na viewing experience.
Nagsisimula ang presyo ng Xiaomi 17 Ultra sa CNY 6,999 (~Php 59,000) para sa 12GB/512GB, habang ang Leica Edition ay nasa CNY 7,999 (~Php 67,000) para sa 16GB/512GB. Lalabas ito sa China sa December 27, at inaasahang magiging available globally sa mga susunod na buwan.








