
Ang bagong People R 125 Hybrid ng KYMCO ay inilunsad sa EICMA sa Milan, Italy. Pinagsama nito ang gasolina at electric motor para sa mas tipid na fuel at mas malakas na performance.
Gamit ang Tri-Power Technology, may Intelligent Control System at Integrated Starter Generator (ISG) ito. Kapag nag-accelerate, nagbibigay ang TPT Boost ng electric assistance para sa mas mabilis na simula at smoother na takbo.
Nagbibigay ang People R Hybrid 125 ng 12.7 PS, 13.6% mas mataas na power, at 5% mas mabilis na 0–100 metro na acceleration sa 8.28 segundo. Bukod dito, may 2.2% na mas mahusay na cooling efficiency at 13.2% mas tipid sa gasolina.
Iba pang features ay Keyless system, USB-A at USB-C ports, full LED lights, LCD instrument panel, maluwang na 205mm floorboard, at malaking under-seat storage.
Presyo sa Pilipinas ay aasahan sa humigit-kumulang ₱250,000. Tamang-tama para sa mga rider na naghahanap ng kombinasyon ng fuel efficiency at power.




