
Ang buwaya nakita sa pool ng isang luxury hotel sa Port Douglas, Australia nitong weekend. Isang turista nag-post sa social media ng video kung saan makikita ang batang buwaya nakahiga sa ilalim ng tubig habang may mga bisita pa ring nagrerelax sa tabi ng pool.
Sa video, maririnig ang sabi ni Lisa Keller: "I don’t want to alarm anyone but may buwaya sa pool ng Sheraton." Habang nagsasalita siya, makikitang walang bisita ang lumapit sa tubig at tila wala ring gaanong nag-alala.
Ayon sa hotel manager na si Joseph Amerio, napansin ang buwaya Sabado ng umaga kaya agad nilang isinara ang pool. Bandang hapon, dumating ang wildlife officers at ligtas na tinanggal ang hayop. Siniguro rin na walang bisita ang naligo kasabay ng buwaya.
Kumpirmado rin ng mga wildlife rangers na ang buwaya ay inalis at dinala sa ligtas na lugar noong Oktubre 18. Naglagay rin sila ng crocodile warning signs para magbigay-babala sa mga tao.
Tinatayang higit 100,000 buwaya ang naninirahan sa hilagang bahagi ng Australia, kabilang ang malalaking saltwater crocodiles at mas banayad na freshwater crocodiles. Ang insidenteng ito ay paalala sa mga turista na kahit nasa luxury hotel na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱18,000 pataas kada gabi, nananatili pa rin ang wildlife sa paligid.