Ang MMDA ay nag-anunsyo na ang mga malls sa Metro Manila ay magbabago ng oras ng operasyon simula Nobyembre 17 hanggang Disyembre 25. Araw ng Lunes hanggang Biyernes, bukas sila mula 11:00 AM hanggang 11:00 PM. Hindi kasama dito ang weekends at holidays.
Sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na napagkasunduan ito kasama ang mga mall operators para maibsan ang holiday traffic. Ayon sa kanila, mall-wide sales ay papayagan lang tuwing weekends.
Para sa deliveries, pinayagan lang ito mula 11:00 PM hanggang 5:00 AM. Kasabay nito, road excavation sa NCR ay ititigil mula Nobyembre 17 hanggang Disyembre 25 para hindi makadagdag sa trapiko.
Idinagdag pa ni Artes na simula Disyembre 20, ang mga EDSA buses ay papayagang bumiyahe mula 10:00 PM hanggang 5:00 AM. Bukod dito, mula Disyembre 24 hanggang Enero 2, papayagan ang 24 oras na operasyon ng mga bus.
Ayon sa datos ng MMDA, may humigit-kumulang 3.6 milyon na sasakyan araw-araw sa Metro Manila. Kapag holiday season, tumataas ito ng 10% hanggang 20%, kaya’t ipinatupad ang bagong schedule para maibsan ang bigat ng trapiko.