Ang unang pumila at bumili ng bagong iPhone 17 sa Makati ay isang 25-anyos online seller na si Charmaine. Mahigit tatlong taon siyang nag-ipon para mabili ang phone na nagkakahalaga ng halos ₱80,000. Ngunit matapos ilabas sa social media ang balita, agad siyang binatikos ng ilang netizens.
Ayon kay Charmaine, hindi ito luho o pagyayabang kundi investment para sa negosyo. Aniya, mas maganda ang camera at video quality ng iPhone 17 na malaking tulong sa pagbebenta niya online. “ROI ko ito sa business, hindi splurge lang,” dagdag niya.
Kahit maraming negatibong komento, pinili niyang maging positive at proud sa desisyon niya. “May event, may community, masaya ang experience. Worth it lahat,” sabi niya matapos ang overnight na pagpila.
Dagdag pa ni Charmaine, natuwa rin siya dahil nakuha niya ang kulay ng iPhone na kapareho ng paborito niyang idol na si Mingyu ng SEVENTEEN. “Matchy-matchy kami, kaya mas naging special,” nakangiti niyang pahayag habang ipinakita ang wallpaper ng kanyang phone.