
Ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Tennis Association (Philta) ay nasa usapan para i-host ang unang WTA 125 Manila Open sa bansa sa Enero 26 hanggang Pebrero 1, 2026.
Ayon kay PSC Chairman Patrick Gregorio, ang torneo ay higit pa sa paligsahan. Layunin nito na bigyan ng pagkakataon ang mga Filipino athletes na lumaban sa world-class players, magbigay inspirasyon sa kabataan, at ilagay ang Pilipinas sa global tennis map.
Kailangan ng WTA 125 ng tatlong premium courts bilang minimum requirement. Kasabay nito, ihahanda rin ng PSC ang Rizal Memorial courts para sa publiko at bubuuin ang Philippine Tennis Center sa New Clark City.
Bukod dito, gaganapin din sa bansa ang ITF J30 Tournament mula Nobyembre hanggang Disyembre 7, 2025 para sa mga batang manlalaro na edad 13 hanggang 18 mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
Ang WTA 125 series ay mahalaga dahil dito nagsisimula ang maraming champions bago umakyat sa mas mataas na level ng WTA Tour.