
Ang dating Bulacan assistant district engineer na si Brice Hernandez ay nag-surrender ng kanyang ₱30 milyon Lamborghini Urus sa Independent Commission for Infrastructure (ICI). Kasama ito sa imbestigasyon kaugnay ng flood control anomalies.
Nauna nang ibinigay ni Hernandez ang kanyang ₱12 milyon GMC Denali sa ICI. Ayon kay Benjamin Magalong, special adviser ng ICI, inaasahang magbibigay pa si Hernandez ng iba pang luxury vehicles at motorsiklo.
Sinabi ni Atty. Raymond Fortun, abogado ni Hernandez, na ang pagsuko ng mga sasakyan ay tanda ng sincerity at pagsisisi ng kanyang kliyente. Dagdag pa niya, ito rin ang paraan para mapakita ang hangarin ni Hernandez na maging state witness.
Samantala, nag-iipon ng ebidensya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bahay ni Hernandez. Nais din ni Hernandez na mapasama sa Witness Protection Program.
Kasama ni Hernandez sa pagdinig sa ICI ang kanyang dating boss na si Henry Alcantara at kapwa assistant district engineer na si Jaypee Mendoza.