Ang tinaguriang ‘Mushroom Murderer’ Erin Patterson, 50 anyos, ay hinatulan ng habangbuhay na kulong na may parole matapos ang 33 taon dahil sa pagkamatay ng tatlong tao matapos kumain ng nakalalasong kabute.
Nahuli siya matapos ihain ang beef Wellington na may death cap mushrooms noong 2023 sa hapunan kasama ang kanyang biyenan Don at Gail Patterson at ang tiyang si Heather Wilkinson. Tatlo ang namatay habang ang asawa ni Heather na si Pastor Ian Wilkinson lang ang nakaligtas.
Sinabi ng hukom na si Justice Christopher Beale na si Patterson ay nagdulot ng matinding trauma at hindi nagsisi, kaya karapat-dapat lamang ang pinakamabigat na parusa. Kakailanganin niyang maghintay hanggang siya ay 83 anyos bago siya puwedeng mag-apply ng parole.
Nang matapos ang paglilitis, nagpasalamat si Pastor Ian, ang tanging nakaligtas, sa mga taong nagbigay ng suporta. Ayon sa kanya, dala niya ang mabigat na lungkot araw-araw dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa.
Sa kasalukuyan, may 28 araw si Patterson para umapela sa hatol. Ang kanyang kaso ay umani ng malawak na pansin mula sa Australia hanggang sa iba’t ibang bansa.