Ang sikat na German artist na si Anne Imhof ay nakipag-collab kay Nike para sa kanyang unang T90 jersey capsule. Inspirasyon nito ang kanyang performance na DOOM: House of Hope.
Dalawang pirasong jersey ang inilabas at magsisimula nang ibenta sa Setyembre 13. Ang koleksyon ay kumakatawan sa tensyon, pagnanasa, at pagmamahalan ng dalawang rival houses, gaya ng ipinakita sa orihinal na palabas.
Para sa House of Tigers, suot ni LIA LIA ang itim at asul na jersey. Samantala, para sa House of Wolves, pinakita ni ATK44 ang pulang long sleeve na may ulo ng wolf. Parehong disenyo ay may DOOM crest sa harap at may nakalagay na “IMHOF 25” sa likod.
Sa paglabas ng capsule, magkakaroon ng Battle of the Bands sa Berlin kung saan muling haharap sina LIA LIA at ATK44 bilang mga lider ng kanilang house.