Ang bagong motocross centre ay itinayo sa Powys, Wales matapos ang mahabang laban sa planning permission. Gagawin ito sa Rhydblawd Farm at ideya ito na nagsimula pa 10 taon na ang nakalipas ng may-ari na Nightfly Limited at director na si Phil Wilding.
Aabot sa ₱105 milyon (mula £1.5 milyon) ang puhunang papasok sa lugar at lilikha ng hanggang 13 trabaho. Kasama sa proyekto ang pitong holiday log cabins, espasyo para sa off-road riding na nakatuon sa electric bikes, at mga hakbang pangkalikasan tulad ng pagtatanim ng puno at bagong tirahan para sa wildlife.
Ayon kay Wilding, malaking panalo ito para sa negosyo at sa Powys. Magdadala ito ng trabaho, puhunan, at mga bagong bisita habang inaalagaan ang kalikasan. Dagdag pa niya, nadelay ang proyekto dahil sa kilos ng council na nagdulot ng dagdag gastos.
Unang naisumite ang application noong Abril 2019 ngunit tinanggihan noong Abril 2021. Sinubukan muli noong Pebrero 2022 pero muling tinanggihan noong Hulyo 2023. Nag-apela noong Enero 2024 at nagkaroon ng public inquiry noong Abril 2025. Sa huli, inaprubahan ito ng isang planning inspector mula sa Welsh Government at nagbigay pa ng partial award of costs laban sa council dahil sa mga naging abala at dagdag gastos.
Ayon sa legal team ng Nightfly, patunay ito na ang proyekto ay responsable at may benepisyo sa komunidad. Anila, kung may mas maagang kooperasyon, mas mabilis na naihatid ang mga benepisyong ito nang walang sobrang gastos mula sa pondo ng bayan.