Ang isang lalaki ay nahuli matapos umanong magnakaw ng bagahe ng pasahero sa Davao International Airport nitong Lunes.
Humingi ng tulong ang biktima sa airport police at airline staff, na agad namang nakakita sa suspek habang palakad-lakad sa terminal building.
Nagpanggap ang suspek na pasahero ngunit hindi ito nakapagpakita ng kahit anong ticket o boarding pass, ayon sa ulat ng PNP-Aviation Security Group.
Narekober mula sa kanya ang maleta na naunang nai-report na nawala sa check-in counter.
Kinasuhan ang lalaki ng trespassing at pagnanakaw, at maaari siyang pagmultahin at makulong.