Ang 24 katao, kabilang ang 12 menor de edad, ay nahuli sa drag racing sa San Rafael, Bulacan nitong Linggo ng hapon. Ang operasyon ay isinagawa ng Highway Patrol Group (HPG) matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang residente tungkol sa iligal na karera ng motorsiklo tuwing Sabado at Linggo.
Ayon kay Lt. Nadame Malang, tagapagsalita ng HPG, ang mga riders ay naaktuhan sa Barangay Maasim bandang 6:10 p.m.. Isa sa mga rider umano ay nakabangga ng bystander, habang ang ilan ay gumawa ng stunts nang walang suot na proteksyon.
Labindalawa sa mga naaresto ay may edad 14 hanggang 17, pawang mula sa bayan ng San Ildefonso. Ang iba namang riders ay may edad 18 hanggang 28 at galing sa iba’t ibang lugar sa Bulacan.
Ang mga nahuling riders ay sinampahan ng kaso sa paglabag sa Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code) at RA 11235 (Motorcycle Crime Prevention Act), pati na rin sa alarm and scandal.
Ang mga menor de edad ay agad na isinailalim sa panga