Ang isang babaeng rider ay nasagasaan ng truck matapos bumagsak sa lubak sa Plaridel, Bulacan. Nangyari ang aksidente bandang 8:40 ng umaga noong Agosto 9 nang subukan niyang unahan ang isang truck sa malubak na daan.
Nakilala ang biktima bilang si Loi, nakatira sa Barangay Malibong Matanda. Ayon sa ulat, nahirapan siyang kontrolin ang motorsiklo kaya bumagsak siya sa kalsada.
Dala ng truck ang drayber na si Jun mula Talavera, Nueva Ecija. Agad na dinala sa ospital ang biktima ngunit sa kasamaang palad, binawian siya ng buhay. Kasalukuyang nasa kustodiya ang driver at nahaharap sa kaso.