Ang lungsod ng Taipei ay pansamantalang huminto noong Huwebes nang tumunog ang air raid sirens bilang bahagi ng pagsasanay laban sa posibleng pag-atake ng China. Libo-libong tao ang nagpunta sa mga underground shelters, car parks, at subway stations para sa safety drill.
Ang taunang drill na ito ay ginagawa sa iba’t ibang lungsod sa Taiwan kasabay ng military exercises upang ihanda ang bansa sa posibilidad ng Chinese invasion. Sa ganap na 1:30 ng hapon, huminto ang trapiko at inutusan ang mga tao na pumasok sa ligtas na lugar tulad ng convenience stores at opisina.
Kabilang sa pagsasanay ang scenario ng mass-casualty at war-time aid distribution. Ayon kay Pangulong Lai Ching-te, mahalaga ang drills para maging handa ang publiko. Sinabi ng isang residente na si Oscar Wang, “Kailangan ito dahil mataas ang tensyon ngayon, kaya dapat alam ng tao ang evacuation routes.”
Kasabay nito, nagpapatuloy din ang 10-day Han Kuang military drills kung saan nagsanay ang regular troops at pinakamalaking grupo ng reservists. Nagpakita rin ng mga US Stinger missiles at high-tech missile launchers sa publiko. May drills sa metro system at maging sa supermarket para makita ng tao ang tamang gagawin sa missile strike.
Sinabi ng eksperto na mahalaga ang ganitong pagsasanay para masanay ang mamamayan sa modern warfare at maiwasan ang panic kung sakaling mangyari ang aktwal na pag-atake.