Ang trahedya ay nangyari nitong Sabado sa Praia Grande, isang sikat na lugar para sa hot-air balloon rides sa Brazil. Ayon sa gobernador ng Santa Catarina, walo ang namatay at labing-tatlo ang nakaligtas matapos magliyab ang hot-air balloon na may sakay na 21 katao.
Nasunog sa ere ang basket ng balloon at bumagsak ito mula sa taas. Ayon sa mga nakasaksi, may ilang pasaherong tumalon habang may apoy, pero hindi lahat ay nakaligtas.
Sinabi ng mga bombero na ang 13 na nakaligtas ay dinala sa mga ospital. Lima sa kanila ay dinala sa Our Lady of Fatima hospital – tatlo ang nasa maayos na kalagayan, at dalawa ay nakalabas na. Wala pang ulat sa iba pang pasyente.
Ayon sa imbestigasyon, ang apoy ay nagsimula sa blowtorch na ginagamit para pasindihan ang apoy ng balloon. Tinangka ng pilotong ibaba agad ang balloon, pero hindi lahat ng pasahero ay nakatalon sa oras, kaya lumala ang apoy.
Ayon sa opisyal ng bombero, apat ang nasunog nang buhay at apat ang namatay sa pagkahulog. Isa namang saksi ang nagkwento na nakita niyang may dalawang taong nahulog habang nasusunog.
Ito na ang pangalawang insidente ng hot-air balloon sa Brazil sa loob lamang ng isang linggo.