Ang Uniqlo ay muling nakipag-collab sa DAN DA DAN para sa dalawang bagong UT shirt designs na siguradong ikatutuwa ng anime fans. Ilalabas ito Hulyo 2025 sa Japan, at bawat style ay inspired ng mga eksena mula sa Season 1 ng anime.
Ang purple shirt ay nagpapakita ng eksenang hinahabol si Momo ng mga Serpo aliens—isang intense na tagpo na ginamitan ng subdued colors para sa mas classy na look. Samantala, ang navy blue variant ay may dynamic print ni Okarun habang buhat si Momo, mula sa finale ng Turbo Granny Arc—isang eksenang di malilimutan.
Ang bagong UT shirts ay may MSRP na ¥1,500 JPY (tinatayang ₱400 o $10 USD). Perfect ito para sa mga gustong ihalo ang anime love sa araw-araw na fashion. Simple pero astig, swak sa kahit anong lakad.
As of now, wala pang kumpirmadong petsa kung kailan ito ilalabas sa U.S., pero tiyak na mauuna ang Uniqlo Japan. Anime fans, markahan na ang kalendaryo!
Para sa mga tagahanga ng DAN DA DAN at Uniqlo, ito na ang chance n’yong madagdagan ang koleksyon niyo ng UT shirts na may dalang anime feels!