Ang imahe ng Pilipinas bilang ligtas na destinasyon ay naapektuhan dahil sa mga isyu sa POGO at mahigpit na visa. Dahil dito, bumagsak ang bilang ng mga turista, lalo na mula sa China at South Korea.
Inihayag ng Clark Development Corporation na hindi na nila papayagan ang bagong POGO sa kanilang freeport zone, bilang hakbang ng gobyerno para ayusin ang mga problema sa regulasyon ng mga dayuhang manggagawa at industriya ng gaming.
Malaki ang epekto nito sa mga maliliit na negosyo sa turismo tulad ng mga tour guide, mga hotel, at transportasyon na ngayon ay humaharap sa mababang kita.
Ngunit nagsimula na ang Department of Tourism ng Pilipinas na baguhin ang kanilang mga plano. Magfo-focus sila sa pagpapakilala ng bansa sa ibang bansa at pakikipagtulungan sa mga airline para bumalik ang mga turista at maibalik ang tiwala sa merkado.