
Ang National Human Rights Commission (NHRC) ng India ay nagsimula ng imbestigasyon matapos umabot sa 100 na bata ang magkasunod na nalason o nilalagnat matapos kumain ng school lunch na may patay na ahas sa loob ng pagkain. Ayon sa ulat, inihain pa ang pagkain sa mga bata kahit na nakuha na ang ahas mula rito.
Ang insidente ay nangyari sa isang pampublikong paaralan sa Mokama, isang lugar sa Bihar, isa sa pinakamahihirap na estado sa India. Nagdulot ito ng matinding galit mula sa mga pamilya ng mga bata, na nagprotesta at nagbara sa kalsada.
Pinag-utos ng NHRC na magsagawa ng masusing imbestigasyon ang mga lokal na opisyal at kapulisan tungkol sa insidente at magsumite ng ulat tungkol sa kalagayan ng mga bata. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng pangamba ukol sa karapatang pantao ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Noong 2013, nagkaroon din ng insidente sa Bihar kung saan 23 bata ang namatay dahil sa pagkain na may halong pesticides. Kaya naman, nagpatupad ang gobyerno ng mga hakbang upang mapabuti ang kaligtasan ng pagkain sa mga paaralan.