
Pinalalawak ng Ford Philippines ang presensya nito sa buong bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng kauna-unahang mobile showroom na idinisenyo para dalhin ang karanasan ng dealership diretso sa komunidad. Layunin nitong maabot ang mas maraming customer sa mga lugar na hindi karaniwang saklaw ng isang pisikal na showroom, lalo na sa mga high-traffic at high-growth na lokasyon.
Bahagi ang showroom on-the-go ng pangakong customer-first ng Ford—paglapitin ang brand at ang mga mamimili sa mismong kinaroroonan nila. Dito, maaaring mag-explore ng pinakabagong sasakyan, makipag-usap sa product experts, mag-test drive, at mag-avail ng eksklusibong alok ang mga interesadong customer nang mas madali at mas personal.
Unang hihinto ang Ford mobile showroom sa Balanga City, Bataan mula Enero 26 hanggang Pebrero 2, 2026, sa pakikipagtulungan ng Ford Subic. Ayon sa pamunuan, ito ang kauna-unahang activation ng ganitong uri para sa Ford sa Pilipinas—isang makabagong hakbang sa paglikha ng curated na karanasan para sa mga urban na komunidad.
Hinihila ng Ford Ranger ang mobile showroom trailer na may bigat na higit 2.5 tonelada, na nagpapakita ng towing capacity, lakas, at kakayahan ng pickup. Sa mismong event, ang mga magre-reserba ng sasakyan ay may eksklusibong benepisyo tulad ng cash discount, full tank of gas, at iba pang premium na insentibo, habang ang mga sasali sa test drive ay makakatanggap ng Ford merchandise.
Sa pagpili ng Bataan bilang unang destinasyon, pinagtitibay ng Ford ang patuloy nitong pagtutok sa inobasyon, accessibility, at community-based activations. Iro-roll out ang mobile showroom sa mas marami pang lugar sa bansa sa mga susunod na buwan, na magdadala ng showroom experience na mas malapit, mas mabilis, at mas makabuluhan para sa mas maraming Pilipino.




