
Kasama si Alexandra “Alex” Eala sa star-studded playing field ng BNP Paribas Open na gaganapin mula Marso 4 hanggang 15. Ang prestihiyosong torneo ay isang WTA 1000 event na nilalaro sa hard courts, at itinuturing na isa sa pinakamalalaking entablado ng women’s tennis ngayong taon.
Idaraos ang torneo sa Indian Wells Tennis Garden sa Southern California, kung saan makakasama ni Eala ang ilan sa mga pinakamalalakas na pangalan sa isport. Kabilang dito ang defending champion Mirra Andreeva, Elena Rybakina—kampeon noong 2023—at World No. 5 Coco Gauff, pati na rin ang World No. 1 Aryna Sabalenka na unang beses lalaban sa naturang torneo.
Mainit ang momentum ni Eala matapos ang kanyang kampanya sa Middle East swing, kung saan umabot siya sa quarterfinals ng isang torneo matapos ang dramatic comeback win laban kay Aliaksandra Sasnovich, 2-6, 6-4, 7-6 (7-5). Ang kanyang pagsali sa BNP Paribas Open ay patunay ng patuloy na pag-angat ng Filipina tennis star sa pandaigdigang entablado.




