
Ang TMP Foundation ay inilunsad ang Mobi-Care (Mobility with Care) program upang palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa pamamagitan ng mas maayos at mabilis na mobilidad para sa mga health workers.
Bilang pilot project, nag-donate ang TMP Foundation ng mga bagong Toyota vehicles sa Santa Rosa at Batangas. Tumanggap ang Santa Rosa City Health Offices ng dalawang Toyota Tamaraw Utility Van, habang ang Santa Rosa Community Hospital ay binigyan ng isang Toyota Tamaraw Ambulance.

Sa Batangas, isang Toyota Hiace naman ang ipinagkaloob sa City Health Office upang magamit sa pagdadala ng pasyente, medical supplies, at suporta sa mga health program tulad ng vaccination drives at medical missions.
Malaking tulong ang mga sasakyang ito sa pag-abot ng serbisyong medikal sa mga barangay, lalo na sa on-site consultations, distribusyon ng gamot, at agarang transportasyon ng pasyente sa oras ng pangangailangan.





