
Ang Chinese embassy sa Manila muling iginiit na may overlapping claims ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea at dapat itong resolbahin. Ayon sa embahada, hindi sila lumalabag sa EEZ ng Pilipinas at pareho raw may karapatan sa kanilang maritime claims.
Tinukoy nila na sa ilalim ng international law, ang mga bansa na may overlapping maritime claims ay dapat delimit o ayusin ang hangganan sa paraang katanggap-tanggap sa parehong panig. Ipinayo rin ng China na iwasan ang mga aksyon na magpapalala o magpapataas ng tensyon sa rehiyon.
Binigyang-diin ni Sen. Kiko Pangilinan na igalang ng China ang 500,000 square kilometers EEZ ng Pilipinas ayon sa UNCLOS, at tinawag niyang illegal ang pag-angkin ng China sa 90 porsyento ng West Philippine/South China Sea. Aniya, respetado ang tao ng China, pero hindi nila tatanggapin ang illegal claims ni Xi Jinping sa rehiyon.




