
Ang 51-anyos na lalaki patay matapos sumalpok ang minamanehong tricycle sa motorsiklo na minamaneho ng isang pulis sa Barangay Looc, Cardona, Rizal, Miyerkules ng gabi, December 24, 2025.
Ayon kay Police Captain Richard Dela Cruz, galing ang tricycle sa convenience store, habang papasok sa duty ang pulis. Iniwasan umano ng tricycle ang traffic sign, kaya nagkaroon ng head-on collision at parehong total wrecked ang mga sasakyan.
Isinugod sa ospital ang tricycle driver at pulis. Dead on arrival ang tricycle driver, habang kinakailangang operahan ang 27-anyos na pulis dahil sa tama sa ulo. Nagtamo naman ng gasgas at sugat ang 17-anyos na sakay ng tricycle.
Kwento ng anak ng nasawing tricycle driver, hiniram lang ng kanyang tatay ang tricycle para bumili ng ulam sa Noche Buena. “Ito po talaga ang pinakamasakit na Pasko,” sabi ni Alex Gresola.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP, at nagko-double check ng CCTV para matukoy kung sino ang may kamali sa aksidente.




