
Ang mga drone enthusiast sa United States ay hindi na makakabili ng mga bagong modelo ng drone mula sa mga foreign manufacturer tulad ng DJI. Ginawang imposible ng Federal Communications Commission (FCC) ang pagbebenta ng pinakabagong drone releases mula sa mga kumpanyang nakabase sa China at iba pang banyagang bansa.
Opisyal na isinama ng FCC ang import at sale ng lahat ng bagong drone models at mahahalagang drone equipment ng foreign companies sa tinatawag na “Covered List.” Ayon sa gobyerno ng US, ang mga kumpanyang ito ay itinuturing na “unacceptable risk sa national security.”
Pinapayagan pa ring bumili ang mga customer ng kasalukuyang DJI models, kabilang ang bagong DJI Neo 2, ngunit ang mga susunod na drone models na hindi gawa ng U.S. companies ay hindi na ilalabas sa merkado. Malaking dagok ito sa DJI, na may hawak na humigit-kumulang 70% ng global drone market at pangunahing supplier ng consumer at industrial drones sa Amerika.
Ang dahilan ng pagbabawal ay nakapaloob sa National Defense Authorization Act (NDAA) 2025, na nag-utos sa DJI at Autel Robotics na sumailalim sa isang formal security audit sa loob ng isang taon. Dahil hindi naisagawa ang audit, awtomatikong inutusan ang FCC na ilagay ang lahat ng DJI drone services at equipment sa Covered List. Ayon sa mga kritiko, sinadyang patagalin ang proseso upang tuluyang maipatupad ang pagbabawal.
Para sa mga may-ari na ng DJI drones sa U.S., wala munang dapat ipag-alala. Hindi ipinagbabawal ng bagong patakaran ang paggamit ng kasalukuyang drones, at magpapatuloy pa rin ang DJI support services para sa mga existing customers.




