
Ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagpaalala sa mga Pilipino na magdala ng kabutihan, kaligayahan, at magandang kalooban sa lahat, lalo na sa mga bata at marginalized ngayong Pasko.
Ayon sa Pangulo, walang ibang okasyon ang mas nagbibigay ng mainit at masayang damdamin kaysa Pasko. Ito raw ay panahon para pahalagahan ang mga biyaya ng buhay at magsama-sama kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.
Binigyang-diin niya na sa gitna ng kasiyahan, huwag kalimutan ang mga mahirap, may sakit, biktima ng kalamidad, at ang mga nasa laylayan ng lipunan. Tulad ni Hesus, hinikayat niya ang lahat na magbahagi ng kasaganaan sa kapwa.
Ipinahayag din ng Pangulo ang pag-asang ang pagmamahal at mabuting kalooban ay patuloy na gumabay sa mga pamilya at komunidad, at nawa’y maging ilaw at kabutihan ang bawat Pilipino hindi lang ngayong Pasko kundi sa mga darating na taon.
Samantala, sinabi ng Malacañang na magtatrabaho ang Pangulo sa buong bakasyon upang suriin ang 2026 national budget bago ito pirmahan. May ilang mambabatas ang tumututol dahil sa unprogrammed funds, na sinasabing maaaring labag sa Konstitusyon.




