
Ang palakasan ng modified muffler sa plaza ng Koronadal City noong Disyembre 24, 2025, ay nauwi sa suntukan.
Ayon kay Terrence Ehimplar, chairperson ng Barangay Topland, tinipon niya ang mga kabataan na mahilig magpaingay tuwing Pasko. Habang isinasagawa ang palakasan, dumating ang isang lalaking lasing at boksingero, na pinagtripan ang grupo.
Makailang beses itong pinigilan ng mga tauhan ng barangay, pero hindi pa rin ito nakinig at patuloy sa paggulo sa lugar.
Ipapatawag umano sa barangay ang lalaking nanggulo upang maipaliwanag ang kaniyang nagawang gulo at mabigyan ng tamang aksyon.
