
Ang Canon EOS R6 Mark II ay nananatiling magandang camera kahit may bago nang R6 Mark III. Mas mura ito sa Php 148,998 at ginagamit pa rin ng maraming content creators dahil sa solid na 24.2-megapixel sensor at in-body image stabilization (IS). Perfect ito para sa parehong photos at videos, kahit sa mabagal na shutter speeds.
Ginamit ko ang RF 135mm F/1.8 IS USM at RF 35mm F/1.4L VCM sa R6 Mark II, at nakuha ko pa rin ang magagandang shots. Kahit may ilang limitasyon sa features ng lens, nagagamit ng camera ang modern optics nang maayos para sa malinaw at sharp na larawan.
Sa video, medyo napag-iiwanan ang R6 Mark II. Limitado ito sa 6K RAW na video sa external recorder at walang open gate recording na meron sa R6 Mark III. Pero kung 4K30 lang ang kailangan mo o short-form vertical videos, kayang-kaya pa rin ng R6 Mark II.
Maganda rin na may dalawang UHS-II SD card slots ang R6 Mark II, kumpara sa R6 Mark III na may CFExpress slot. Mas praktikal ito para sa karamihan, lalo na kung hindi ka pa handang mag-invest sa CFExpress cards.
Sa kabuuan, kahit mas bago at may upgraded features ang R6 Mark III, ang R6 Mark II ay nananatiling reliable at balanced na mirrorless camera. Sulit pa rin itong bilhin lalo na sa mga hybrid shooters na naghahanap ng quality sa photos at videos.




