
Ang My Chemical Romance ay inilipat ang kanilang concert sa Pilipinas mula Abril 2026 papuntang Nobyembre 14, 2026, na gaganapin sa Philippine Arena.
Ayon sa post ng banda sa Instagram, naantala ang mga shows nila sa South Korea at Southeast Asia para sa 2026 The Black Parade Tour. Nilinaw nila na hindi kanselado ang mga concert.
Sinabi rin ng banda na valid pa rin ang lahat ng tickets para sa bagong petsa. Kung hindi makaka-attend, may refund option na ibibigay ng PULP Live World, ang local promoter.




