


Ang LS2 Storm III ay ang pinakabagong sports touring helmet ng LS2 na paparating sa 2026. Kilala ang LS2 bilang budget helmet brand, at muli nilang pinatunayan na puwedeng maging abot-kaya at mahusay ang isang helmet.
May bagong disenyo ng outer shell ang Storm III para sa mas maayos na proteksyon. In-update rin ang venting system at nilagyan ng transparent covers para mas maayos ang airflow habang nagra-ride.
Ang visor ay quick-release at 3D corrected, kaya walang baluktot na view at mas malawak ang field of vision. May kasama na ring Pinlock 70 at drop-down sun visor, pati ang ratcheted chin strap na galing sa dating modelo.
May magnetic chin curtain na mas madaling ikabit at tanggalin, at ready rin para sa LS2 intercom system. Ang liner ay antibacterial, natatanggal, at puwedeng labhan, may dagdag pang comfort liner para sa mahabang biyahe. Medyo mas mabigat ng 70g, pero may 12 kulay, at magsisimula ang presyo sa £139.99, available sa early 2026.




