
Ang prosecutor sa Bontoc ay tinanggap na ang kaso ng brutal na pagpatay sa aso sa Mountain Province, ayon sa pulisya.
Si Axle, isang American Bully, ay binugbog hanggang mamatay sa bayan ng Sadanga noong Disyembre 4. Nakuha ang karahasan sa CCTV.
Ayon sa pulisya, unang dalawang pagtatangka ng Sadanga Police na magsampa ng kaso ay hindi tinanggap dahil sa "kulang na ebidensya." Ngunit pinalakas nila ang ebidensya at sa ikatlong pagsusumite, tinanggap na ito.
Formal na nirefer ng Sadanga police ang kaso noong Disyembre 15 sa Provincial Prosecutor’s Office para sa paglabag sa Animal Welfare Act (RA 8485).
Nanawagan ang Philippine Animal Welfare Society ng mga saksi upang ituloy ang kriminal na kaso laban sa suspek, na isang staff driver ng lokal na opisyal.


