
Ang DATING DPWH UNDERSECRETARY MARIA CATALINA “CATHY” CABRAL ay natagpuang patay matapos umanong mahulog sa bangin sa KENNON ROAD, TUBA, BENGUET, ayon sa ulat ng pulis noong DISYEMBRE 18.
Ayon sa pulisya, si Cabral ay nakita munang WALANG MALAY sa gilid ng BUED RIVER, may layong 20 hanggang 30 metro mula sa kalsada. Kalaunan ay idineklara siyang patay at dinala ang kanyang labi sa isang FUNERAL PARLOR sa lugar.
Batay sa POLICE TIMELINE, bumiyahe si Cabral kasama ang kanyang DRIVER bandang 3:00 PM papuntang LA UNION nang hilingin niyang ihinto ang sasakyan sa CAMP 5, CAMP 4 at maiwan siya roon. Nang bumalik ang driver makalipas ang ilang oras, hindi na siya matagpuan.
Bandang 7:00 PM, ini-report na ng driver ang insidente sa pulis. Kalaunan, natagpuan si Cabral sa ibaba ng highway matapos ang SEARCH AND RETRIEVAL na isinagawa ng pulis at rescue teams.
Si Cabral ay nasangkot sa isang CORRUPTION ISSUE kaugnay ng umano’y BUDGET INSERTIONS at KICKBACK SCHEME sa mga flood control project. Inutusan ng OFFICE OF THE OMBUDSMAN ang mga awtoridad na kunin at ingatan ang kanyang CELLPHONE AT MGA GADGET para sa patuloy na imbestigasyon.




