
Ang Ford ay sumusunod sa demand ng mga customer at lilipat sa hybrid at extended range electric vehicles (EREV). Pagkatapos ng Mustang Mach-E at F-150 Lightning, maglalabas ang Ford ng maraming bagong sasakyan na may kombinasyon ng kuryente at gasolina sa 2030.
Sentro ng plano ng Ford ay ang F-150 Lightning, na ititigil sa kasalukuyang anyo at babalik bilang Extended Range Electric Vehicle (EREV). 100% itong electric, ngunit may maliit na gas engine na magbibigay ng kuryente sa baterya. Target ng Ford ang 700-mile range na may mabilis at tuloy-tuloy na power.
Bukod dito, plano ng Ford na maglunsad ng limang bagong abot-kayang sasakyan, kabilang ang gas/hybrid commercial van, bago matapos ang dekada. Lahat ng kanilang malalaking trucks at SUVs ay magkakaroon ng hybrid o multi-energy option para sa towing, range, at kakayahan na gusto ng mga customer.
Hindi rin tuluyang iiwan ng Ford ang battery electric vehicles (BEV). Patuloy ang development ng Universal EV Platform, na magagamit sa maliit at abot-kayang EVs. Unang ilulunsad ang midsize pickup truck gamit ang bagong platform.
Dagdag pa rito, may bagong partnership ang Ford sa Renault para gumawa ng EVs. Gagamitin nila ang Renault Ampere platform, pero may disenyong at driving style na unique sa Ford.




