
Ang DPWH ay nakatanggap ng P529.6 bilyong budget para sa 2026, bumaba ng P94.8 bilyon mula sa P624 bilyon na inaprubahan ng House.
Ayon kay Senate Finance Chair Sherwin Gatchalian, P20.7 bilyon ng bawas ay mula sa savings sa overpriced materials sa 10,000 proyekto ng ahensya. Kasama na sa bagong kalkulasyon ang logistics, hauling, at iba pang gastos kaya mas malapit na sa totoong halaga ang proyekto.
P16.5 bilyon ng natipid ay ilalaan sa PhilHealth at P4.2 bilyon para sa calamity fund ng National Disaster Risk Reduction and Management.
Binanggit ni Gatchalian na mataas ang ipapadalang pondo sa PhilHealth, kaya tungkulin nilang itaas ang case rates upang mas mababa o wala nang babayaran ang mga kababayan natin.
Siniguro rin niya na ang DPWH Secretary Vince Dizon ay laging nakikipag-coordinate sa budget process. Lahat ng pagbabago, dagdag o bawas ay pinag-uusapan at sinusuri para maayos ang implementasyon ng mga proyekto.




