
Ang House Majority Leader Sandro Marcos ay dumalo sa hearing ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Huwebes. Ang ICI ay nilikha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para imbestigahan ang umano’y korapsyon sa mga flood control at iba pang proyekto ng gobyerno.
Ang pagdating ni Sandro sa ICI ay isang linggo matapos siyang maiugnay ni Zaldy Co sa umano’y budget insertions, na agad namang itinanggi ng kongresista mula Ilocos Norte.
Ayon kay Sandro, dumalo siya “on a voluntary basis” para makatulong sa imbestigasyon. Nilinaw niya na wala siyang subpoena at hindi siya iniimbestigahan bilang subject ng kaso.
Sinabi rin niya na handa siyang ibahagi ang anumang impormasyon na maaaring makatulong sa pag-usad ng imbestigasyon ng ICI.
Hinihintay pa ang karagdagang detalye tungkol sa naging pagdinig.



