
Ang TV host-actress na si Kim Chiu ay nagsampa ng reklamo laban sa kapatid niyang si Lakambini Chiu matapos madiskubre ang umano’y financial discrepancies sa kanilang negosyo. Kasama ang kanyang mga abogado na sina Xylene Dolor at Archernar Gregana, inihain ni Kim ang criminal complaint for qualified theft sa Office of the Assistant City Prosecutor sa Quezon City.
Ayon kay Atty. Dolor, ang reklamo ay may kinalaman sa qualified theft at sakop nito ang fiscal year 2025. Hindi muna tinukoy ang eksaktong negosyo, ngunit sinabi nitong bahagi si Lakambini sa management ng kompanya. Matagal na raw sinubukan ng pamilya na ayusin ang problema sa loob, ngunit nauwi ito sa legal action dahil sa bigat ng sitwasyon.
Sa pahayag ni Kim, sinabi niyang matapos ang months of internal review, napilitan siyang magsampa ng kaso dahil sa malaking halagang nawala mula sa assets ng kanyang negosyo. Binigyang-diin niya na ginawa niya ito para protektahan ang kumpanya at ang mga taong umaasa sa trabaho rito. Humiling din siya ng privacy habang dumaraan ang kanilang pamilya sa mahirap na yugto.
Sinabi rin ni Kim na nananatili siyang umaasa sa healing at resolution, habang patuloy ang kanyang commitment sa trabaho, mga supporters, at sa paglago ng kanyang mga negosyo. Off camera, maikli ngunit mabigat ang nasabi niya: "Sobrang bigat."




