
Ang Commission on Audit (COA) ay naglabas ng ulat na nagpapakita na P200,000 bawat CCTV ang nakuha ng Office of the Vice President (OVP) noong 2024. Ayon sa tala, pitong yunit ng CCTV ang nagkakahalaga ng P212,464 bawat isa. Sinabi ng OVP na dumaan ito sa tamang proseso at bahagi ito ng seguridad ng mga opisina at sasakyan.
Ipinakita rin sa ulat ang pagkuha ng OVP ng MacBook Air laptops, na nakapresyong P120,842 bawat isa. Bagama’t mas mababa ang presyo sa mga kilalang reseller, posible raw itong umabot ng higit P120,000 depende sa specs at software. Nakuha rin ang aircon units sa halagang P73,505 bawat isa at multi-purpose vehicles sa P1.028M bawat unit.
Nagkaroon naman ng maling paglista sa ulat tungkol sa mga photocopier, na unang nailagay bilang “laptops.” Ayon sa OVP, nagkamali lang ang staff dahil ang 12 photocopiers ay donated units mula sa isang lumang kontrata. Napansin ng COA na mali ang halaga na inilagay, kaya lumaki ng P1.21M ang account kumpara sa dapat.
Tinukoy din ng COA ang ilang problema sa Mag-Negosyo Ta Day livelihood program. May 138 beneficiaries ang nabigyan ng tulong na hindi muna nasuri ang feasibility ng kanilang mga proyekto. May mga delay din sa liquidation ng P2.115M at kulang ang monitoring visits na dapat ay ginagawa sa loob ng tatlong buwan.
Iminungkahi ng COA na ayusin ng OVP ang pag-proseso ng donasyon, wastong pag-record ng equipment value, at mas maayos na pag-monitor ng mga programang pinopondohan ng opisina.




