
Ang bagong Miss Universe 2025 na si Fatima Bosch ay nagpahayag na hindi siya bibigay sa hate comments at mga banta na natanggap niya online matapos ang kanyang pagkapanalo.
Sa kanyang Instagram Stories, sinabi niyang hindi siya hahayaan na sirain ng online attacks ang kanyang pagkatao. Ipinakita rin niya ang ilan sa mga puna at death threats na ipinadala sa kanya.
Binanggit niyang malinaw na walang insulto ang makakapigil sa kanyang layunin. Dagdag pa niya, kapag ang isang babae ay lumalaban, mas marami pang babae ang nagkakaroon ng lakas at boses.
Sinabi rin ni Fatima na gagamitin niya ang kanyang platform para palakasin ang boses ng kababaihan. Nanindigan siyang hindi siya aatras, hindi magtatago, at hindi hihingi ng pahintulot para magliwanag.
Nangyari ang kanyang panalo sa gitna ng ilang kontrobersiya, kabilang ang isyu sa pre-sashing incident kasama si Nawat Itsaragrisil, pati na ang pagbabago ng judges at ilang resignations sa pageant.




