
Ang isang BuCor officer ay sinuspinde matapos mahulihan ng illegal na droga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Nakuha sa corrections technical officer ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakatago sa supot ng pandesal. Nangyari ang insidente sa routine inspection sa NBP Gate 1, Maximum Security Compound bandang 7:30 ng umaga ngayong Miyerkules, ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr.
Ipinag-utos ni Catapang ang pagsasampa ng pormal na kaso laban sa nasabing officer. Kasabay nito, nakumpiska rin ang 33 plastic sachet ng hinihinalang shabu mula sa isang inmate sa Dorm 5A ng Bilibid.
Nagpaalala si Catapang sa lahat ng corrections officer na manatiling mapagmatyag at laging sumunod sa patakaran ng Bilibid upang maiwasan ang ganitong insidente.




