
Ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay nagpasya na huwag maglagay ng parol o Christmas lanterns sa mga pangunahing kalsada at pampublikong lugar ngayong kapaskuhan, ayon kay Mayor Isko Moreno.
Ipinahayag ni Moreno sa flag-raising ceremony na piniling alisin ng lokal na pamahalaan ang tradisyunal na parol para sa holiday season. Ayon sa kanya, mangangailangan ng humigit-kumulang P14 milyon kung itutuloy ang paglalagay ng dekorasyon sa buong lungsod.
Dahil dito, magpo-focus ang lungsod sa pagpapailaw ng isang malaking Christmas tree na inilagay sa Manila City Hall malapit sa Kartilya ng Katipunan Shrine.
Bagama’t walang parol sa kalsada, tiniyak ni Moreno na mananatiling masaya at makulay ang selebrasyon ng Pasko sa lungsod.




