
Ang Bureau of Immigration (BI) ay nagpaalis ng 23 Chinese nationals noong Nobyembre 21 dahil sa ugnayan nila sa illegal POGO activities at mga cyberfraud scheme. Ayon sa BI, ang mga dayuhan ay may multiple immigration violations at ilan sa kanila ay wanted criminals pa sa China.
Sinabi ni Alexi Val Arciaga, hepe ng deportation unit, na ang grupo ay isinakay sa Philippine Airlines flight papuntang Shanghai mula NAIA Terminal 1. Idinagdag niya na may deportation orders na laban sa kanila dahil sa pagsangkot sa POGO-like activities at fraud operations.
Ayon naman kay Immigration Commissioner Joel Viado, tuloy-tuloy ang operasyon laban sa mga banyagang sangkot sa illegal online gaming facilities at scam hubs. Ipinaalala rin niya na matapos ang 2024 SONA, inanunsyo ni President Ferdinand Marcos Jr. ang total ban on POGOs, dahil konektado ang mga ito sa human trafficking, money laundering, at organized crime. Naipatupad ito nang pirmahan ni Marcos ang Republic Act 12312 o Anti-POGO Act of 2025, na nag-aalis ng lahat ng POGO licenses, visas, at work permits sa mga manggagawang dayuhan.




