
Ang Wicked: For Good ay nagbukas sa buong mundo na may napakalaking kita na $226 million USD, ginagawa itong ika-apat na pinakamalaking debut ng 2025. Nalagpasan nito ang ibang malalaking pelikula ngayong taon at nag-iwan ng malakas na marka sa global box office.
Malaki rin ang $150 million na kinita nito sa US at $76 million mula sa international screenings. Dahil dito, nabasag ng pelikulang ito ang box-office record para sa mga Broadway adaptation, at tinalo ang unang Wicked na mas mababa ang total earnings.
Pinangunahan ni Jon M. Chu, tinapos ng sequel ang kuwento nina Elphaba at Glinda habang sinusubukan nilang baguhin ang Oz para sa kabutihan. Mas madilim ang tono ng ikalawang bahagi, dahil hinarap ni Elphaba ang galit ng mga tao, habang nakatutok ang kuwento sa muli nilang pagsasama at pagkilos para sa tunay na pagbabago.




