
Ang Nigeria ay nag-ulat na inaresto ang 20 Pinoy seafarers matapos mahuling nagdadala ng humigit-kumulang 20 kilo ng cocaine mula Brazil patungo sa Lagos port.
Ayon sa National Drug Law Enforcement Agency (NDLEA), nasabat ang droga sa isang Panama-registered vessel, kung saan ang cocaine ay nakabaon sa ilalim ng cargo. Karaniwan umanong nagdadala ng coal ang barkong ito sa ruta ng Brazil at Colombia.
Nasa kustodiya na ang all-Filipino crew habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Kamakailan, iniulat din ng NDLEA na nakikipagtulungan sila sa US at British anti-drug agencies para imbestigahan ang isang cartel na sangkot sa pagpasok ng 1,000 kilo ng cocaine sa Lagos port.
Kasabay nito, itinataas ni US President Donald Trump ang presensya ng US forces sa Caribbean para labanan ang mga grupong sangkot sa drug trafficking mula Latin America, tulad ng Venezuela at Mexico.



