Ang Canon ay opisyal nang nag-launch ng EOS R6 Mark III sa Pilipinas, kasabay ng RF 45mm f/1.2 STM lens, sa Gallio, Aseana City. Dumating ito ilang linggo matapos ang global reveal nito.
Sikat ang bagong EOS R6 Mark III dahil ito ang unang EOS camera na may 3:2 Open Gate mode, na mas madaling gamitin para sa content sa iba’t ibang format at platform. May 32.5MP sensor, may kakayahang mag-record ng 7K 60p RAW video, at may 40fps shooting na kayang umabot sa 150 shots sunod-sunod. Mayroon din itong pre-continuous shooting para makakuha ng hanggang 20 frames bago pindutin ang shutter.
Habang lumalawak ang creative community sa bansa, nagpapatuloy ang Canon sa pagbibigay ng world-class tools para sa mga filmmaker, photographer, at visual storyteller. Nagsisilbi ang EOS R6 Mark III bilang panibagong hakbang ng brand sa pag-support sa mga creator na naglalayong gumawa ng content na nakaka-inspire at nakakakonekta.
Ang EOS R6 Mark III ay may presyong ₱164,998 para sa body lang, ₱186,998 kasama ang RF 24-105 IS STM, at ₱244,998 kasama ang RF 24-105 L IS USM. Lahat ng package ay may kasamang CFExpress Type B card, at may free LP-E6P battery para sa mga mag-preorder hanggang December 31.
Inanunsyo rin ng Canon Philippines ang presyo ng RF 45mm f/1.2 STM, na nakatag na ₱25,298.


