
Ang Google ay naglabas ng Gemini 3, na may malaking improvement sa reasoning, multimodal understanding, at mas matalinong interaction sa Google products. Ayon sa kumpanya, kaya nitong gumawa ng mas rich na visuals at mas interactive na outputs dahil sa mas mataas na antas ng pag-intindi.
Ibinahagi ni Tulsee Doshi, Senior Director ng Product Management sa Gemini, na kaya nang tumulong ng Gemini 3 sa pag-aaral, paglikha ng projects, at pagplano ng gawain. Tinawag niya itong AI na kayang maging partner, hindi lang simpleng sagot-machine.
Sinabi rin ni Doshi na kaya ng modelo na mag-convert ng text, images, at iba pang format, dahil nauunawaan nito ang mga maliliit na detalye sa iba’t ibang uri ng content. Ginamit na rin ito ng Google engineers para makadiskubre ng mahigit 2 milyon bagong materials na pwedeng makatulong sa better batteries, chips, at clean energy tech.
Malaking highlight ang bagong Antigravity feature—isang agentic coding system kung saan kayang mag-plano, mag-code, at mag-test ng tasks ang AI nang halos walang tulong ng tao. Puwede nitong kontrolin ang code editor, terminal, at browser para sa sunod-sunod na tasks, kaya nagiging architect na lang ang developers.
Ayon kay Koray Kavukcuoglu ng Google DeepMind, may dedicated agent interface ang Antigravity kaya kayang mag-operate ng AI sa mas mataas na level. Available ang Gemini 3 sa Gemini app, AI mode, Search, Gemini API, AI Studio, at para sa negosyo, sa Vertex AI at Gemini Enterprise.




